Apat na raw bago magsara ang bidding para sa pirmadong D&D guitar ng Eraserheads para sa nagpapatuloy na gamutan ni Gab Chee Kee, gitarista at isa sa founding members ng Parokya ni Edgar, umabot na sa mahigit P730,197.60 ang pinakamataas na bid nitong Biyernes.

Ito ang huling update ng bokalista ng Parokya na si Chito Miranda sa kaniyang Facebook post.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nauna nang bumuhos ang suporta ng ilang fans at netizens para sa nakaratay na si Gab na lumalaban ngayon sa sakit na lymphoma.

Basahin: Pinansyal na suporta sa laban ni Gab Chee Kee ng ‘Parokya ni Edgar’ vs lymphoma, bumuhos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kabilang na nga sa mga nagpakita ng suporta para sa banda ang iconic Eraserheads na inialay ang kanilang pirma sa isang isinubastang gitara.

Makikita sa gitarang dinisenyo mismo ni Gab ang pirma nina Buddy Zabala, Marcus Adoro, Raimund Marasigan at syempre ng bokalista ng grupong si Ely Buendia.

Nauna nang nagpasalamat si Chito sa kaniyang mga idols na lalo pa niyang hinangaan para sa suporta sa kanilang kabanda, at kaibigan.

“Ngayon, nagbigay na naman sila ng panibagong dahilan kung bakit sila ang ultimate idol naming, 🤟🏼😭❤️” aniya.

Samantala, magsasara ang bidding para sa auction sa darating na Pebrero 14.