CARIGARA, LEYTE -- Ngayong love month, hindi bababa sa 63 couples ang ikinasal sa isang civil mass wedding na inisponsoran ng lokal na pamahalaan dito noong Huwebes, Pebrero 9.
Sinabi ni Mayor Eduardo Ong Jr., na nangasiwa ng kasal, na ang lokal na pamahalaan ang gumastos sa gastusin para sa seremonya maliban sa Certificate of No Marriage na kailangang makuha ng mag-asawa mula sa Philippine Statistics Authority.
“Most of these couples have been living together for years, most of them already have kids and have already stood the test of time. So it is only right and deserving to make it official,” anang alkalde.
Bukod sa libreng pagkain, nakatanggap din ang mga bagong kasal ng special gift mula sa alkalde.
Samantala, nasa edad 19-anyos ang pinakabatang ikinasal sa naturang seremonya.
Ayon kay Joy Bayani, hinintay daw talaga niya at ng kaniyang asawa na si Joshua Rondina ang mass wedding dahil mag-aapat na taon na rin silang nagsasama at mayroong dalawang anak.
“We’re thankful to the mayor for accommodating us even if we were late. We thought we could not make it because of some setbacks but now we’re finally here and married."Marie Tonette Marticio