Hindi bababa sa 19,362 ang mga naitalang nasawi sa Turkey at Syria nitong Huwebes, Pebrero 9 matapos yanigin ang magkapit-bahay na bansa ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Sa ulat ng BBC News, kinumpirma ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na umabot na sa mahigit 16,170 indibidwal na ang nasawi sa Turkey.

Nasa 3,162 naman na ang death toll na sa naitala sa Syria.

Samantala, mahigit 64,000 katao sa Turkey habang nasa 5,158 sa Syria ang mga nasugatan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“We are now racing against the clock to save lives together,” ani EU chief Ursula von der Leyen sa Twitter kahapon.

Ayon sa mga eksperto, inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga maitatalang nasawi at nasugatan sa mga susunod na araw kung saan mas paiigtingin pa ang pag-rescue ng mga awtoridad.

Yumanig ang nasabing magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes sa dakong 4:17 ng madaling araw malapit sa Gaziantep, Turkey na may lalim na 18 kilometres.

Ito ang naitalang isa sa pinakamalakas na lindol na naranasan sa mga naturang lugar.