Nanawagan ang isang kongresista kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pangunahan ang apela nito sa publiko na pagbabayad ng tamang buwis.

Inayunan ni House Deputy Minority Leader France Castro (ACT Teachers party-list) na tama ang Pangulo sa pag-apela sa mga tao na magsumite ng tama at angkop na buwis.

Gayunman, dapat aniyang pangunahan nito ang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Pinaalalahanan niya ang Pangulo hinggil sa matagal na desisyon ng Supreme Court na dapat magbayad ang pamilyang Marcos sa hindi nila nababayarang real estate taxes.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

"Kung hindi nila ito babayaran, wala silang moral ascendancy na manawagan sa mga mamamayan na magbayad ng tamang buwis," anang kongresista.

Sa rekord ng gobyerno, nasa₱203 bilyon ang hindi panababayarangbuwis ng pamilya Marcos.