Patay ang isang mag-ina matapos na makulong sa inuupahang dalawang palapag na apartment sa Barangay Krus na Ligas sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Gayunman, hindi na muna isinapubliko ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mag-ina.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang insidente ay naganap sa ikalawang palapag ng apartment sa Lt. J. Francisco St., Brgy. Krus na Ligas dakong 2:00 ng madaling araw.

Sinabi ni Quezon CityFire Marshal Senior Supt. Aristotle Bañaga sa isang television interview na bago ang insidente ay narinig umano ng mga kapitbahay na nagpapasaklolo ang batang babae sa hindi pa mabatid na dahilan.

Metro

Babae, dinukot umano ng lalaking nakilala sa dating app

Natagpuan ang bangkay ng mag-ina sa loob ng kanilang silid, ayon sa BFP.

Ang sunog na umabot lamang ng halos isang oras ay iiimbestigahan pa ng BFP.