Labis ang pagkatuwa ni Manila Mayor Honey Lacuna nang maideklara bilang “most loving city in the world" ang lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Lacuna nitong Huwebes na hindi ito nakapagtataka dahil lubhang mapagmahal naman talaga ang mga Manilenyo. Nabatid na batay sa pinakahuling global study ng Crossword Solver, ang mga residente ng Maynila ay nagbabahagi ng 1,246 loving tweets sa bawat 100,000 na ipino-post sa social media platform. 

Ayon sa Crossword Solver, naitala sa Manila ang pinakamaraming ‘love you’ tweets dahil 1,246 sa bawat 100,000 tweets na naglalaman ng iba’t ibang baryasyon ng salitang ‘love you’ ay galing dito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/07/love-is-in-the-air-in-ph-manila-kinilalang-most-loving-capital-city-sa-buong-mundo/       

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“It is not surprising that Manila is named as the 'most loving capital city in the world.' Mapagmahal ang mga Manilenyo at gusto naming iparamdam ito sa anumang paraan, sa salita man o sa gawa,” ayon kay Lacuna.

 

“Ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay patuloy ding ipinaparamdam ang pagmamahal sa mga Manilenyo sa pamamagitan ng serbisyong tapat at mapagkalinga. Para sa lahat ng Manilenyo, nawa’y araw-araw nating iparamdam ang pagmamahal sa kapwa, hindi lang ngayong buwan ng mga puso,” sabi pa ng lady mayor sa kaniyang social media na nilagyan pa niya ng heart emoji at ginamitan ng  hashtag na, “MayniLove,” bilang pagtukoy sa libreng Valentine's offering ng pamahalaang lungsod sa Mehan Garden na nagbukas noong Lunes.    

Ang “MayniLove” ay isang lugar kung saan ang ang mga magkasintahan, pamilya at magkakaibigan ay maaaring mag-enjoy ng live daily entertainment; booths ng mga pagkain at gift items, flowers, chocolates, stuffed toys, photo booths, Instagrammable spots at daily giveaways.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/07/maynilove-binuksan-muli-ng-manila-city-government-ngayong-love-month/

Mayroon ding "Puppy Love" area para sa mga dog lovers sa loob ng venue, na bukas hanggang February 17 mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi, araw-araw at ito ay proyekto ng bureau of permits sa pangunguna ni Levi Facundo.

Sumunod naman sa Maynila na most loving cities ang Guatemala City, Guatemala (1,224); Luanda, Angola (1,180); Jakarta, Indonesia (974); at Mexico City, Mexico (948).

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/07/love-is-in-the-air-in-ph-manila-kinilalang-most-loving-capital-city-sa-buong-mundo/