Makatatanggap ng triple pay ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng General Luna, Quezon na limang taon o mahigit nang single o kaya nama’y single since birth kapag sila ay papasok sa araw ng mga puso sa Pebrero 14, ayon kay Mayor Matt Erwin Florido.

Inanunsyo ito ni Mayor Florido nitong Lunes, Pebrero 6, sa kanilang flag ceremony.

Ayon pa kay Florido, kapag pinili ng mga empleyado na mag-leave sa Lunes, Pebrero 13, para sa long weekend, magiging ‘paid leave’ daw ito ngunit magiging ‘double pay’ na lamang ang bayad ng pasok nila sa Pebrero 14.

“Sa mga kwalipikado, maaaring i-sumite sa Mayor's Office o sa HRMO ang inyong aplikasyon para sa nasabing benepisyo. Mayroong special committee na magvalidate. MAHALAGA ANG KATAPATAN,” pahayag ni Florido.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang nasabing benepisyo ay galing umano sa sariling pera ng alkalde dahil nais daw niyang mabigyan ng oras ang mga single na mag-enjoy o makahanap ng katuwang sa buhay.

Nagbibigay na ng special treats si Florido sa mga kawani ng munisipalidad tuwing araw ng mga puso simula nang maging alkalde siya noong 2019.