Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang dating kongresista at ngayo'y alkalde ng Muntinlupa City na si Ruffy Biazon kaugnay sa kasong direct bribery na may kaugnayan sa ₱10 bilyong pork barrel fund scam.
Sa desisyon ng anti-graft court, ibinasura ang kaso matapos aprubahan ng hukuman ang iniharap nitong motion to dismiss dahil sa mahinang ebidensya ng prosekusyon.
Binanggit na nabigo ang prosekusyon na patunayang ginamit ni Biazon si dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Zenaida Ducut upang mangolekta ng commission sa naging transaksyon nila sa non-government entity na pag-aari ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.
Ginamit ding dahilan ng anti-graft court ang rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na iniharap ng prosekusyon na nagsasabing hindi napatunayang tumanggap si Biazon ng kickback mula sa discretionary or pork barrel fund.
“The prosecution’s reliance on the doctrine of apparent authority is misplaced. To begin with, the doctrine of apparent authority is applied in transactions involving a corporation, its corporate agent and a third person dealing with the latter. Considering that Ducut was not proven to be Biazon’s agent, [Benhur] Luy’s testimony that he personally handed to Ducut the supposed commission allegedly intended for Biazon does not necessarily imply that Biazon agreed to the arrangement or received the said commission,” paliwanag ng korte.
Matatandaanginakusahan ng prosekusyon si Biazon na tumanggap ng₱1.95 milyon bilang commission sa kanyang discretionary fund na pinadaloyumani nito sa pekengPhilippine Social Foundation Inc. na pag-aari ni Napoles.