CAGAYAN - Nailigtas ng isang pulis sa tiyak na kamatayan ang mga pasahero ng isang pampasaherong bus na nagmula sa Manila matapos umanong ma-stroke ang driver nito habang sila ay bumibiyahe sa Tuguegarao City nitong Miyerkules.

"Nanginginig kamay ng driver, nanigas siya at patirik na mata saka bumula ang bibig kaya napilitan ako na i-manage ang manibela at naiwasang mabangga mga kasalubong na sasakyan" pahayag ni Senior Master Sgt. Roland Gacal, 38, taga-San Isidro, Isabela, at nakatalaga sa Dinapigue Police Station sa Isabela.

Aniya, ang insidente ay naganap sa Maharlika Highway, Libag Sur, Tuguegarao City nitong Pebrero 8.

Sa report ng pulisya, sugatan ang driver ng bus na si Jefferson Ballad, 45, taga-Garit Sur, Echague, Isabela, matapos bumangga sa bakod ng isang bahay ang minamanehong bus.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"Hindi naman maiwasang bumangga sa pader dahil nakatapak sa gasolina ang driver," sabi ni Gacal.

Kaagad na binaba ni Gacal ang mga pasahero ng bus matapos ang insidente.

Binanggit pa na nahilo si Ballad kaya nawalan ng kontrol sa minamanehong bus.

Sinabi ng pulisya, dakong 5:00 ng hapon ng Pebrero 7 nang umalis sa Cubao, Quezon City ang bus patungong Tuguegarao.