โ#๐๐๐๐๐๐๐!โ
Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng Cebu Century Plaza Hotel kung saan ang kanilang mga broken-hearted na empleyado ay makatatanggap daw ng limang araw na โbreak-up paid leavesโ.
Sa Facebook post ng hotel nitong Sabado, Pebrero 4, ang naturang paid leaves ay paraan umano nila ng pagbibigay-halaga sa kanilang mga empleyado.
โThatโs how we value our employees, โdi pareho sa imung ex (โdi katulad ng iyong ex),โ hirit pa nito.

Kani-kaniyang โsana allโ naman ang banggit ng netizens sa naturang post ng Cebu Century Plaza Hotel.
Hirit pa ng ilang netizens:
โWhere do broken hearts go?โ
โDapat pala sa Cebu na ako nag-apply.โ
Hindi ito ang unang ibinalita tungkol sa pagbibigay insentibo sa mga empleyado na may kinalaman sa nalalapit na araw ng mga puso. Sa General Luna, Quezon naman, triple pay ang matatanggap ng mga kawani ng kanilang lokal na pamahalaan na limang taon o mahigit nang single.
Basahin: Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentineโs Day