“#???????!”
Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng Cebu Century Plaza Hotel kung saan ang kanilang mga broken-hearted na empleyado ay makatatanggap daw ng limang araw na ‘break-up paid leaves’.
Sa Facebook post ng hotel nitong Sabado, Pebrero 4, ang naturang paid leaves ay paraan umano nila ng pagbibigay-halaga sa kanilang mga empleyado.
“That’s how we value our employees, ‘di pareho sa imung ex (‘di katulad ng iyong ex),” hirit pa nito.

Kani-kaniyang “sana all” naman ang banggit ng netizens sa naturang post ng Cebu Century Plaza Hotel.
Hirit pa ng ilang netizens:
“Where do broken hearts go?”
“Dapat pala sa Cebu na ako nag-apply.”
Hindi ito ang unang ibinalita tungkol sa pagbibigay insentibo sa mga empleyado na may kinalaman sa nalalapit na araw ng mga puso. Sa General Luna, Quezon naman, triple pay ang matatanggap ng mga kawani ng kanilang lokal na pamahalaan na limang taon o mahigit nang single.
Basahin: Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day