May tugon umano ang ABS-CBN director na si Andoy Ranay sa bashers na nagsabing ginaya ng pinag-uusapang teleserye ngayon na "Dirty Linen" ang nagtapos na seryeng "Widow's Web" na unang directorial job ni Jerry Lopez Sineneng nang lumipat ito sa bakuran ng GMA Network.

Sey ng bashers na ayon naman sa isang ulat, "copycat" daw ng Widow's Web na pinagbidahan nina Carmina Villaroel, Pauline Mendoza, Ashley Ortega, at Vaness Del Moral ang trending na "Dirty Linen" tampok ang mahusay at pinupuring cast na sina Janine Gutierrez, Jennica Garcia, Christian Bables, Francine Diaz, Set Fedelin, at iba pa.

Si Andoy, na isa ring artista, ay isa lamang sa mga direktor ng Dirty Linen na gabi-gabing trending sa social media dahil sa kanilang "mata-mata school of acting."

Simpleng banat naman ng direktor, "Oh, there's such a show? Sorry di ko alam."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kung tutuusin daw, mas nauna rin sa ganitong tema ang "The Good Son" ng ABS-CBN, gayundin ang "The Killer Bride."

Si Andoy rin ang isa sa mga direktor ng pinuri at award-winning teleseryeng "The Broken Marriage Vow" na Pinoy adaptation ng "Doctor Foster."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang direktor o scriptwriter ng Widow's Web tungkol dito.