SAN FERNANDO, Pampanga -- Iniulat ng Police Regional Office 3 na kumalas ang 10 miyembro ng farm group sa CPP-NPA habang ang isang dating miyembro naman ng Communist Terrorist Group ang boluntaryong sumuko sa awtoridad noong Miyerkules, Pebrero 8.
Kumalas sa CPP-NPA ang 10 miyembro ng Pambansang Katipunang Magbubukid (PKM), isang orgnanisasyon ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon – Nueva Ecija (AMGL-NE).
Prinoseso naman ng Philippine Army at PNP ang dokumentasyon ng sumukong si "Ka Jack," dating miyembro ng CTG na Kilusang Larangan Guerilla West Zambales.
Itinurn over sa awtoridad ang caliber .38 revolver, apat na ammunition, at isang hand grenade.
Patuloy namang hinihikayat ng pulisya ng Central Luzon kasama ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) at AFP na sumuko na ang iba pang miyembro ng CTGs.