Naglabas ng reaksiyon at saloobin ang kilalang historyador at propesor na si Xiao Chua tungkol sa megaseryeng "Mga Lihim ni Urduja" na malapit nang ipalabas sa GMA Network, pagkatapos ng hit fantasy-historical drama series na "Maria Clara at Ibarra" na reimagined ng dalawang obra maestra ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Ayon sa tweet ni Chua, sana raw ay hindi na lamang si Urduja ang napili nilang itampok sa serye.

"Alam ko as legend naman yung kuwento ng Urduja at fictional naman pero sana hindi na lang siya ang ginamit dahil hirap na hirap na kami ipaliwanag sa tao na si Urduja ay hindi tao mula sa Pilipinas at ang Talawisi ni Ibn Battuta ay hindi sa Pilipinas."

"Narereinforce lang nito," ayon pa sa historyador.

Suzette Doctolero, may tugon sa retiradong prof na 'nabagabag' sa trending episode ng MCAI

https://twitter.com/Xiao_Chua/status/1623277755130593280

Matatandaang pinuri at pinupuri ni Xiao ang MCAI, na nakarating naman sa kaalaman ng GMA headwriter na si Suzette Doctolero. Pinasalamatan pa niya ito.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Doctolero tungkol dito habang isinusulat ang balitang ito.