Bagaman nabigo, “honor of a lifetime” para kay dating Vice President Leni Robredo ang itinaguyod na presidential campaign noong nakaraang taon.

Ito ang pagbabalik-tanaw ng Angat Buhay chairperson unang anibersaryo ng kaniyang pagsisimula ng 90-araw na kampanya noong Pebrero 8, 2022.

Matatandaan ang Naga City ang naging unang sentro ng kampanya ng tandem nina Robredo at dating senador Kiko Pangilinan kasama ang kanilang Tropang Angat.

Dito, matatandaan ang buong puwersa rin agad nagpakita ng suporta ang maningning na celebrities para sa kandidatura ng tanging babaeng kandidata para sa pagkapangulo noon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“One year ago today. Honor of a lifetime, 💖” mababasa ang caption ni Robredo sa larawang nakunan sa kickoff ng kaniyang kampanya.

Sunod na bumuhos dito ang pagbabalik-tanaw din ng mga tagasuporta ng dating Pangalawang Pangulo.

“Di na muling pipikit, 💗💗💗” komento ni Jolina Magdangal.

“For God and country!!! Always with you Ma’am!!! ❤️🇵🇭🙏” anang talent manager na si Noel Ferrer.

“No regrets, 🌸💓🫶🏻” komento rin ng anak ni Robredo na si Dra. Tricia,

Inulan din ng heart emoji sang larawan mula sa iba pang celebrities kabilang na nina Agot Isidro, Rica Paralejo bukod sa iba pa.

Sa Instagram, umabot na sa mahigit 199,000 likes nag naturang post.

Parehong mensahe ng suporta pa rin ang mababasa rin sa parehong Facebook post ni Robredo.

“It has been an honor too fighting for you, Mam, and Sen Kiko,” komento ng isang tagasuporta.

“Ang namulat kelan man 'di na pipikit.”

“It was a greater honor for us too!, Atty. Leni! 💕

“Leni is still the best part of my 2022🥰

“Walang pagsisising tumindig kasama mo at ng milyun-milyong Pilipino. Ang namulat kailanman ay hindi na pipikit. Nandito pa rin kami kasama mo.🌸🌸🌸

“I will never forget this rare moment in my life na nakialama ako sa alam ko tama. Tahimik man, pero di na pipikit muli.”

“Thank you, Ma’am! It was, and still is, an honor supporting you!”

“Mga namulat at di na muling pipikit!🌸🌸🌸

“Maraming salamat. Habang-buhay kong ipagmamalaki na ikaw ang pinaglaban ko!Atty. Leni Robredo!”

“Thank you very much, my President.🤍

“Proud Kakampink here! Absolutely no regrets to have stood and fought for good governance. Balang araw, matatanaw din natin ang liwanag sa dilim.”

Sa Twitter, parehong sentimiyento rin ang mababasa sa mga tagasuporta ni Robredo.

https://twitter.com/TheOlympinks/status/1623145536936382464?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1623145536936382464%7Ctwgr%5E084b4c1d125d66ffa46dfc022f4944cc92f6f5b8%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Finteraksyon.philstar.com%2Ftrends-spotlights%2F2023%2F02%2F08%2F242471%2Fleni-robredo-anniversary-campaign-kickoff-rally%2F

https://twitter.com/niccolocosme/status/1623257355336159232?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1623257355336159232%7Ctwgr%5E084b4c1d125d66ffa46dfc022f4944cc92f6f5b8%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Finteraksyon.philstar.com%2Ftrends-spotlights%2F2023%2F02%2F08%2F242471%2Fleni-robredo-anniversary-campaign-kickoff-rally%2F

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1623167089606553601

https://twitter.com/luvlycallielana/status/1623153729620049920

https://twitter.com/imdavedrt/status/1623265484681662464

Matatandaang mahigit 15,000,000 ang nakuhang boto ni Robredo sa naging botohan noong 2022.