Gaganapin sa lungsod ng Makati ang ika-11 season ng MPL Philippines. Ito ay inanunsyo ng mga organizer ng liga Martes ng gabi, Pebrero 8.

"#MPLPH fans, dito tayo magsasama-sama sa loob ng walong linggong Regular Season action!" anunsyo ng MPL Philippines sa Facebook nito.

Ang mga laro na naka-schedule mula Biyernes hanggang Linggo simula Pebrero 17 ay maaaring mapanuod ng fans nang live sa Shooting Gallery Studios sa Makati.

Magsisimula ang pagbebenta ng tiket sa Biyernes, Pebrero 10.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nasungkit ng Blacklist International ang MPL Philippines title, ang kanilang ika-3 sa 4 na season, matapos talunin ang Echo Philippines, 4-2, sa playoffs.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, sa Pilipinas gaganapin ang susunod na edisyon ng M-series World Championship.

BASAHIN: M5 World Championship sa Pilipinas gaganapin!

Inanunsyo ito bago ang grand final ng M4 World Championship sa pagitan ng Blacklist International at ECHO.

Matatandaang sa Malaysia ginanap ang M1, sa Singapore naman ang M2 at M3, saka inilipat sa Indonesia ang M4.

Pagkaraang matapos ang M4 World Championship noong Enero 2023, kung saan pumangalawa Blacklist, nag-post ang Blacklist International CEO na si Tryke Gutierrez sa Facebook na ilang mga manlalaro, kabilang ang mga nasa coaching staff, ay nagpasya na magpapahinga sila sa susunod na season.

Ilang oras pagkatapos ng anunsyo, inihayag ng Blacklist na tanging ang superstar duo na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario ang kumpirmado para sa Season 11.

Ang natitirang mga manlalaro ay hindi pa inihayag. Gayunpaman, ipinahiwatig ng organisasyon kung ilang bagong manlalaro ang maglalaro para sa tatlong beses na kampeon ng MPL PH