Umamin ang Kapuso actress na si Faith Da Silva na nagkagusto siya sa batikang aktor na si Albert Martinez. 

Sa kaniyang panayam sa "Fast Talk With Boy Abunda" na umere nitong Martes, Pebrero 7, inamin ng aktres na nagkagusto siya sa batikang aktor nang tanungin ni Boy Abunda kung nagkaroon sila ng relasyon nito.

"Hindi [kami nagkaroon ng relasyon] pero masasabi kong nagustuhan ko siya," sagot ni Faith

"Nagustuhan ko siya kasi nakita ko kung paano niya ako inalagaan and kung paano niya ako ginuide bilang bagong artista. First show ko 'yun [Las Hermanas], siya veteran na siya bilang artista pero hindi niya pinaramdam sa akin na yung level niya malayo sa akin," dagdag pa niya. 

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Kuwento rin ng aktres na tila mahal pa rin ng aktor ang yumaong asawa nito na si Liezl Martinez.

"And mabait siya, he's sweet. Kaya lang nga ayon alam ko na super love niya yung late wife niya. I could see and I could feel kung gaano niya kamahal yung wife niya kasi yun yung palagi niyang kinukwento," ani Faith. 

Nang tanungin kung single pa si Faith, aniya, "I am single, very much so."

Unang nagkatambalsina Albert at Faith sa teleseryeng "Las Hermanas." Kasalukuyan namang mapapanood ang aktres sa "Unica Hija" ng GMA Network.