Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment sa Kuwait ng mga first time applicant para maging household service worker.

Sa isang press statement, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, tigil o suspendido muna ang pagpoproseso ng mga first time na nag-a-apply patungo sa Kuwait hanggang walang significant reform na nangyayari sa pakikipag-usap sa Kuwait para sa proteksyon ng mga OFW.

Hindi aniya maipatupad ang total deployment ban dahil may mga OFW na maraming taon nang nagtatrabaho sa Kuwait na gustong bumalik sa dating amo o kaya ay mamasukan sa ibang amo.

Kumpiyansa naman si Ople na magkakaroon ng magandang resulta ang pakikipag-usap sa pamahalaan ng Kuwait.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Idinahilan din ni Ople, mayroong ibang bansa naman ang maaaring puntahan ng mga OFW para sa trabahong domestic worker, katulad ng Hong Kong at Singapore.