Umakyat na 5,894 ang nasawi sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey nitong Lunes.

Ito ang kinumpirma ni Turkish Vice President Fuat Oktay sa isinagawang pulong balitaan nitong Miyerkules ng madaling araw.

Bukod dito, nasa 34,810 na ang naiulat na nasaktan sa lindol.

"The loss of every citizen deeply saddens us," pagbibigay-diin ni Oktay at sinabing patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation.

Internasyonal

Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno

Nauna nang nilinaw ni Turkish President Recep Tayyip na mahigit na sa 8,000 ang nasagip mula sa 5,775 na gumuhong gusali.

Naideklara na rin aniya ang state of calamity sa 10 lalawigan sa loob ng tatlong buwan upang mapadali ang paghahanap at pagsagip sa mga natabunan ng mga gumuhong gusali.

"We’re facing one of the biggest disasters not only of the history of the republic but also of our geography and the world," sabi pa nito.

Bukod sa 6.8 magnitude na pagyanig, naramdaman naman ang 7.6 magnitudeAdana, Adiyaman, Diyarbakir, Gaziantep, Hatay, Kilis, Malatya, Osmaniye at Sanliurfa.

Philippine News Agency