Inihayag ng Malacañang na ang Department of Agriculture (DA) ay naglaan ng P326.97 milyon na layong mapalakas ang industriya ng sibuyas.

Ang nakalaang pondo ay gagamitin para sa produksyon ng sibuyas, mga kagamitan na may kaugnayan sa produksyon, mga input ng sakahan, at mga pasilidad ng cold storage, ayon sa High Value Crops Development Program (HVCDP) ng DA.

Sa P325.97-million alloted fund para palakasin ang produksyon ng sibuyas sa bansa, P69.949 million ang inilaan para sa onion production support services, kabilang ang pagbibigay ng mga buto, seedlings, at iba pang farm inputs; P3.2 milyon para sa mga pasilidad ng irigasyon; at P1.9 milyon para sa extension support, edukasyon, at pagsasanay.

Ang programa ay naglaan din ng P6.486 milyon para sa farm production-related machinery at equipment distribution; P2.359 milyon para sa mga pasilidad ng produksyon; at P2.5 milyon para sa postharvest at processing equipment at machinery distribution.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang natitirang P240.575 milyon ay inilaan para sa pagtatatag ng pitong onion cold storage facility ngayong taon sa mga pangunahing lugar ng produksyon. Ang mga cold storage facility na ito, na may hanggang 10,000-bag capacity, ay mapakikinabangan sa Pangasinan Onion Growers Association sa Umingan, Pangasinan at ng Federation of Aritao Farmers Onion, Garlic and Ginger Association sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang mga cold storage facility na may 20,000-bag capacity ay igagawad din sa New Hermosa Farmers Association sa Hermosa, Bataan; Nagkakaisang Magsasaka Agricultural MPC sa Talavera, Nueva Ecija; Valiant Primary Multipurpose Cooperative sa Bongabon, Nueva Ecija; Salvacion United Farmers Multi-Purpose Cooperative; at ang Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multi-Purpose Cooperative sa Rizal at Sablayan, Occidental Mindoro.

Samantala, 10 farmers’ cooperatives and associations (FCAs) mula sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) region ang nakatanggap ng P40-million financial grant sa pamamagitan ng DA Enhanced Kadiwa: Sagip Sibuyas Project. Napakinabangan ito ng higit sa 7,800 miyembro ng FCA.

Sa ilalim ng Sagip Sibuyas Project, dapat gamitin ng mga karapat-dapat na FCA ang grant na hanggang P5 milyon para sa trading capital upang mabayaran ang mga gastos sa pagkuha ng mga sibuyas nang direkta mula sa mga magsasaka, paghakot at paghahatid sa mga pamilihan at mga cold storage facility, at pag-arkila ng imbakan.

Nagbibigay din ang DA ng mga serbisyo sa pag-uugnay sa merkado upang matiyak na ang mga FCA ng sibuyas ay may mga handang pamilihan para sa kanilang ani, kabilang ang mga fastfood chain at mga mamimiling institusyonal.

Betheena Unite