Literal na bejeweled ang global pop star na si Taylor Swift sa kaniyang entrada kamakailan sa red carpet ng Grammys 2023 kung saan inspired ang kaniyang look sa record-breaking “Midnights” album. Suot na mga alahas pa lang, milyones na dolyar na ang halaga!

Ito nga kamakailan ang usap-usapan matapos dumalo si Taylor sa inabangang 65th Grammy Awards.

Suot ng pop powerhouse ang midnight blue ensemble ng kilalang fashion designer na si Robert Cavalli. Bukod dito, agaw pansin din ang naglalakihang hikaw at singsing ni Taylor na inilarawang “statement piece of the night” sa isang ulat ng Variety.

Ayon sa inilabas na press release ng jewelry house Lorraine Schwartz, ang eksenadorang pares ng alahas ay mayroong 136 carats na "natural purple sapphires, paraibas at diamonds."

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nasa kabuang $3 milyon ang halaga ng naturang jewelry ensemble o mahigit P164,000,000 sa kasalukuyang palitan ng dolyar at peso.

Basahin: Fans ni Taylor Swift, pabirong hinikayat na solusyonan ang mataas na presyo ng itlog sa US – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, matapos ang star-studded awards night,si Taylor ay wagi rin para sa “Best Music Video” category ng kantang “All Too Well” na siya rin ang nagsilbing direktor. Siya rin ang kauna-unahang artist na mayroong sole directing credit para sa sariling kanta.

Sa pag-uulat, mayroon nang 11 Grammy wins ang pop powerhouse.