Nadurog ang puso ng mga netizens matapos makita ang isang Facebook post ng kuhang litrato ng isang netizen na si SherVan Cusio kung saan ang isang dayuhan ang nakita niya sa isang mall ay naghihintay sa ilang customer na matapos ang kanilang pagkain at kakainin ang kanilang mga matitira.

"Habang kumakain kami ng partner ko sa foodcourt nang SM City Bacolod napansin namin yung foreigner na nakaupo sa malayong table and then suddenly yung katabi namin yung natapos nang kumain and bigla kaming nagulat dahil kinuha niya yung food na natira sa plate," kuwento niya sa Balita.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Aniya, lumapit siya sa dayuhan at binilhan ito ng makakain. Matapos niyon ay tinanong siya ng dayuhan kung bakit niya ito binilhan ng pagkain ito naman ang kaniyang naging sagot, "I saw you eating up left overs from other table and he smiled and said thank you." Tinatanong din umano nito kung siya ay pilipino, agad naman niyang sinagot ito ng oo.

Dagdag pa rito, hindi na umano niya natanong kung anong nangyari sa dayuhan sapagkat mukhang nag-eenjoy na ito sa kaniyang kinakain. Napaiyak na lamang umano ang kaniyang partner dahil sa awang naramdaman para sa lalaki.

Narito naman ang kaniyang mensahe sa lahat ng makakabasa, "My main objective or purpose in helping others, (by buying food) It was just a spontaneous response (no second thoughts) to a heartbreaking and pathetic scenario which could also possibly be done by anyone who has compassion and love for fellow human beings; whether to a fellow citizen or to a stranger/ foreigner.

"Because I believe that one little act of kindness that we do or show to someone in dire need will leave an indelible mark in the mind and heart of that person, which cannot be equated with money, but most of all that act of kindness is far greater in the sight of our LORD God, who is the source of all the things we enjoy in this world. Whatever we possess are not ours, it's God's and we are just His stewards of these blessings.We are blessed to be a blessing to others."

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!