Sinalakay ng pulisya ang tahanan ng isang 47-anyos na lalaki dahil sa pag-iingat nito ng mga hindi lisensyadong baril at pampasabog sa Brgy. Rizal, Bongabon, Nueva Ecija nitong Martes, Pebrero 7.

Ayon sa ulat kay Col. Richard V. Caballero, Nueva Ecija police chief, ang suspek ay mayroong dalawang had grenades, isang caliber .45 Series 80 Colt MK IV, apat na caliber .45 magazines, caliber .22 revolver, air gun, airsoft M16 replica, 22 bala ng caliber .22, 23 caliber .45 ammunition, tatlong caliber 9mm bullets, walong empty shells ng caliber 9mm, at dalawang empty shells ng caliber .45.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act of 2013 at RA 9516 (illegal possession of explosives).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito