Level up na rin “This Generation’s Pop Princess” Zephanie Dimaranan matapos mapabilang kamakailan sa international record label na Republic Records.

Ito ang tahanan ng mga naglalakihang global pop stars kabilang na sina Taylor Swift at Ariana Grande.

Maliban kay Zeph, winelcome din ng record label ang mga local artists at kapwa Cornerstone talents na sina Catriona Gray, Inigo Pascual, at Richard Poon.

Para sa teen idol, isang malaking oportunidad ang bagong blessing sa kaniyang career.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

"Malaking tulong po ito para sa career ko na may mga kasama po ako na mga tao na tutulungan akong mag-share ng talent ko and makapag- inspire ng mga tao," anang singing champ sa isang ulat ng GMA News.

Ito rin ang naging pasasalamat ng Kapuso star sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Pebrero 6.

“Grateful to be doing what I love.. and now with my new family@republicrecordsph, ✨” ani Zeph.

Matatandaan ang nakaraang pakiusap na ng fans ni Zeph sa dagdag na proyekto para sa kanilang idol na tila dininig naman ngayon ng Kapuso Network.

Basahin: Zephanie, ‘unstable’ daw sa GMA? Fans, nagde-demand ng dagdag exposure para sa idol – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Maliban kasi sa bagong recording milestone ng young star, nakatakda ring mapabilang si Zeph sa isang teen-oriented show ng GMA kung saan siya nga ang napiling isa sa lead stars.

Inaabangan na ito ngayon pa lang ng kaniyang fans lalo na’t makakasama niya rito ang kaibigan at nali-link na kapwa Sparkle artist ng GMA Artist Center na si Michael Sager.

"I consider him my best friend and I'm really happy na kasama ko po siya sa first ever project ko rin sa acting,"anang singer.

Isang Instagram post pa nga para sa kaarawan ng kaibigan ang makikita sa Instagram post ni Zeph na kinakiligan ng fans kamakailan.

“Grateful to have a friend like you. Happy birthday twinenem, my bestfriend. Proud of you always! 🫶🏼” saad ng singer.

Congrats, Zeph!