Ibinahagi ni Office of Transportation Security (OTS) administrator Mao Aplasca, nitong Lunes, Pebrero 6, na kapag napatunayang empleyado nila ang kumuha ng nag-viral na video na naglalaman ng isinagawang security screening ng K-pop group na ENHYPEN sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), maaari itong masibak sa serbisyo.

Sa panayam ng DZMM Teleradyo, binigyang-diin ni Aplasca na ang nasabing pagkuha ng video habang ginagawa ang security screening ay maituturing na ‘breach of security’, isang mabigat na paglabag sa kanilang panuntunan.

“Kung i-tolerate po natin ‘yan, pwedeng ang ibang tao na kahit hindi VIP na dumadaan, kung pwedeng kuhanan [ng video] ang mga screening checkpoint activities, that is danger po sa ating traveling public,” ani Aplasca.

Magsasagawa raw sila ng pormal na imbestigasyon para matunton kung sino ang talaga ang kumuha ng video.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ang nasabing video ay kumalat nitong Lunes, Pebrero 6, kung saan makikita ang tila ‘pagngisi’ ng babaeng security personnel habang tila kinikilig sa isinagawa niyang security screening sa ENHYPEN.

Basahin: ‘Very unprofessional!’ Staff ng NAIA, trending dahil sa ginawang security screening sa K-pop group ENHYPEN

Ayon pa kay Aplasca, maraming nilabag ang security personnel sa kanilang polisiya habang isinasagawa ang nasabing security screening.

Basahin: Isinagawang screening sa K-pop group ENHYPEN sa NAIA, marami raw nilabag