Malaking bahagi ng bansa ang makararanas ng katamtaman at panaka-nakang pag-ulan nitong Martes, Pebrero 7, dahil sa northeast monsoon o amihan at localized thunderstorms, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, makararanas ng kaulapan at katamtamang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa amihan. Wala namang inaasahang malaking epekto ang magiging pag-ulan dito.

Samantala, magiging medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar dahil sa posibleng pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malakas na thunderstorms.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso