Ang Palawan ang nag-iisang lalawigan na lang sa bansa na hindi pa malaya sa kaso ng malaria, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na “80 sa 81 probinsya sa bansa ang lahat ay malaria-free” na sa kasalukuyan.

“Iisa na lang po at yun po ang Palawan,” ani Vergeire sa isang press briefing nitong Martes, Pebrero 7.

Ang pamantayan para sa isang lugar na ma-tag bilang malaya na sa malaria ay "ang kawalan ng lokal na paghahatid ng malaria sa nakalipas na limang taon," sabi ni Vergeire.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasalukuyang nakikipagtulungan ang DOH sa lokal na pamahalaan, World Health Organization (WHO), at mga pribadong sektor gaya ng Pilipinas Shell Foundation para mapuksa ang malaria sa Palawan.

Ang malaria ay a life-threatening disease caused by parasites that are transmitted to people through the bites of infected female Anopheles mosquitoes. It is preventable and curable,” sabi ng WHO.

Sinabi ng WHO na ang mga sintomas ay "kadalasang lumilitaw 10 hanggang 15 araw pagkatapos ng infective na kagat ng lamok."

Ang ilan sa mga sintomas nito ay kinabibilangan ng lagnat at karamdamang tulad ng trangkaso, kabilang ang panginginig, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, pagduduwal, pagsusuka, at pagtatae, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (US CDC).

Analou de Vera