Isang 12-man team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sasama sa humanitarian contingent ng Pilipinas sa Turkey na nasalanta ng 7.8 magnitude na lindol noong Lunes, Pebrero 6.

Sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na ang kanilang team ay bihasa at may malawak na karanasan sa pagtugon sa sakuna, na na-deploy sa rescue at retrieval operations sa Bohol at Pampanga na tinamaan ng malalakas na lindol noong 2013 at 2019 at maging sa Nepal noong 2015.

“They will bring their experiences to Turkey to contribute support to its disaster response efforts and to express solidarity with the international community. We, the MMDA family, wish our team a safe journey. The country is proud of all of you for this heroic deed,” ani Artes sa send-off ceremony..

“We are in close coordination with the OCD for the transport, logistics requirements, and other preparations necessary for assistance to the earthquake-hit country,” dagdag niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Basahin: Mga nasawi sa Turkey, Syria dahil sa magnitude 7.8 na lindol, umabot na sa mahigit 3,800 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang deployment ng Philippine contingent sa Turkey ay bilang tugon sa kahilingan ng Turkish Ambassador to the Philippines matapos ang isang mapanirang lindol na yumanig sa bansa.

Libu-libong tao ang namatay at libu-libo pa ang nasugatan sa buong Turkey at Syria mula sa malakas na 7.8 magnitude na lindol, isa sa pinakamalakas na tumama sa rehiyon sa mahigit 100 taon.

Basahin: Mga Pinoy sa Turkey na apektado ng magnitude 7.8 na lindol, nananawagan ng tulong – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Philippine team ay binubuo ng mga disaster response experts mula sa Office of the Civil Defense, Department of Health (DOH), Philippine Army, at Philippine Air Force (PAF), MMDA at iba pang ahensya.

Ang Philippine contingent ay idadala ng Turkish Airlines nang walang bayad.

Sinabi ni Artes na ang MMDA ay magbibigay din ng mga damit panglamig ng koponan upang panatilihing protektado ang mga ito laban sa four degree Celsius na temperatura sa Turkey.

Aaron Recuenco