Hindi bababa sa 3,823 ang mga naitalang nasawi sa Turkey at Syria, matapos yanigin ang magkapit-bahay na bansa ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Sa ulat ng Agence France Presse, hindi bababa sa 1,444 indibidwal na ang nasawi sa Syria, habang nasa 2,379 naman ang death toll na sa naitala sa Turkey nitong Lunes.

Samantala, mahigit 12,000 katao sa Turkey habang hindi naman bababa sa 3,411 sa Syria ang mga nasugatan.

Mahigit 4,900 gusali rin ang nasira dahil sa nasabing pagyanig, ayon sa Ankara.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Yumanig ang nasabing magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes sa dakong 4:17 ng madaling araw malapit sa Gaziantep, Turkey na may lalim na 18 kilometres.

Sinundan ito ng 60 aftershocks kabilang na ang magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa dakong 1:24 ng hapon, habang nasa kalagitnaan ng rescue operations ang mga awtoridad.

Ang nasabing lindol ang naitalang isa sa pinakamalakas na lindol na naranasan sa mga nasabing lugar.