Tila naipamalas ng mga Pinoy ang pagiging mapagmahal matapos lumabas na ‘most loving capital city’ sa buong mundo ang Manila sa isinagawang pandaigdigang pananaliksik ng Crossword-Solvor.

Ayon sa Crossword-Solvor, naitala sa Manila ang pinakamaraming ‘love you’ tweets dahil 1,246 sa bawat 100,000 tweets na naglalaman ng iba’t ibang baryasyon ng salitang ‘love you’ ay galing dito.

“Love is very much in the air in the Philippines: a poll once revealed that 93% of people in the country reported feeling love on a typical day — the highest proportion of any country in the world,” pahayag ng Crossword-Solvor.

Lumabas ang nasabing resulta sa pamamagitan ng paglikom ng mga geotagged tweets na naka-post sa iba’t ibang mga bansa at lungsod sa buong mundo.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

“We then analyzed that sample to find tweets that contained variations of the phrase ‘love you,’ for example, ‘love u’ and ‘<3 you,’ and variations of the heart emoji (e.g., 💓 and 💞) followed by ‘u’ and ‘you’,” anang Crossword-Solvor.

Doon na raw nila nakuha ang proporsyon ng loving tweets sa bawat 100,000 at nalamang ang Manila nga ang lugar na ‘most loving’ sa buong mundo.

Sinundan naman ng Guatemala City sa Guatemala at Luanda sa Angola ang Manila sa listahan ng ‘Top 20 most loving major capital cities in the world’.

Samantala, ang mga capital city na kadalasang inuugnay sa salitang ‘love’ at ‘romance’ tulad ng Paris, France, ay hindi nakasama sa nasabing listahan.