Sa halip na magalit ay nalungkot ang world-class Kapamilya singer na si Jed Madela matapos mabasa ang isang post ng basher patungkol sa kaniya.

Kaugnay ito sa naging pag-amin niyang minsan ay naiisip na niyang tumigil sa showbiz dahil pakiramdam niya, hindi naman na siya napapansin dahil sa dami ng mga nagsulputang mga batang mang-aawit sa kasalukuyan, na naikumpisal niya sa "Toni Talks" ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Mababasa sa pang-ookray ng basher na "Kahit mag-stop ka, di mararamdaman absence mo! Ang daming mga bagong singers na magagaling at fresh na, down to earth pa!"

Ibinahagi ni Jed sa kaniyang post ang screengrab ng sinabi ng netizen at saka kinomentuhan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Such a mean person…"

"Just woke up and saw this post. Instead of getting upset, I felt sad. I’m trying to understand what happiness or satisfaction this post gives to this person but I can’t seem to piece it together."

"Oh well…," nasabi na lamang ng singer.

Bumuhos naman ang moral support ng netizens para kay Jed.

"Don't feed a troll. You already left a legacy in the PH music. Papansin lang 'yan."

"You are Iloilo's pride."

"That person wasn’t hugged as a child…"

"Ang pangalang Jed Madela ay nakatatak na sa mundo."

"YOU are resilient and better than that, you are a CHAMPION! Insecure people will always stir up trouble, because they need to be the winner, but SECURE person, 'and that’s you Jed Madela,' will do nothing because you know that you win either way! Thank you for making Filipinos proud!"