Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City nitong Lunes, Pebrero 6, na ilang daan sa Metro Manila ang pansamantalang isasara sa darating na Sabado, Pebrero 11, dahil sa gaganaping ‘Padyak Parañaque sa Kalusugan’.
Sa traffic advisory na inilabas ng Public Information Office (PIO) - Parañaque City, pansamantalang isasara ang outer lanes ng Aseana Avenue, Diosdado Macapagal Blvd., New Seaside Drive, at J.W. Diokno Blvd. sa Pebrero 6 mula 5:00 ng madaling araw hanggang 10:00 ng umaga.
“Pinapaalalahanan ang mga motorista na umiwas muna sa lugar na ito at maghanap ng alternatibong madadaanan upang maiwasan maipit sa mabigat na daloy ng trapiko.
Ang mga motorista ay pinapayuhang maging maingat sa pagmamaneho,” anang PIO.
Gaganapin ang ‘Padyak Parañaque sa Kalusugan’ sa mga nasabing oras sa Ayala Malls, Manila Bay.
Magsisimula dadaanang ruta ng mga kalahok sa aktibidad sa Central Garden ng Ayala Malls Manila Bay papuntang Aseana Avenue, Diosdado Macapagal Blvd., New Seaside Drive, J.W. Diokno Blvd., at pabalik sa Aseana Avenue.