Binigyang-diin ni Pope Francis nitong Linggo, Pebrero 5, na ang mga batas na ginagawang krimen ang pagiging miyembro ng LGBT community ay isang kasalanan dahil mahal ng Diyos ang mga ito.

Sa kaniyang flight mula sa South Sudan, tinanong ang pope ng isang mamamahayag kung ano ang masasabi niya sa mga pamilya sa Congo at South Sudan na hindi tanggap ang mga anak dahil sila ay kasama sa LGBT.

“This is not right. People with homosexual tendencies are children of God. God loves them. God accompanies them,” ani Pope Francis.

Kaugnay nito, binanggit ni Pope Francis ang hindi pinangalanang ulat kung saan 50 bansa umano ang ginagawang kriminal ang mga LGBT habang nasa 10 bansa ang may batas na nagpapataw ng death penalty sa mga miyembro ng nasabing komunidad.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“To condemn someone like this is a sin. Criminalizing people with homosexual tendencies is an injustice,” aniya.

Sinabi rin ng pope na nakasulat sa katesismo ng simbahang katolika na ang homosexual acts ang kasalanan at hindi ang atraksyon sa same-sex.