Maraming netizens ang natuwa sa litratong ibinahagi ng isang Facebook user na si AdventuRenzz matapos maispatan ang isang police staff sergeant na bumili ng pagkain para sa mga batang nakaupo sa isang kilalang "landing site" sa Dapitan City. 

Paliwanag ng uploader, akala niyang pinagalitan ng pulis ang mga batang nakatambay, pero kinausap pala nito ang mga bata at pinayuhan na magsikap at mag-aral nang mabuti para maabot nila ang kanilang pangarap sa buhay. Binilhan din ng pulis ang mga bata ng pagkain.

"Dumaan ako sa boulevard dito sa Dapitan o mas kilalang landing site sa lugar. Akala ko may kasalanan yung mga bata kaya parang pinagalitan sila ni sir, pero hindi pala. Kinausap pala ni sir yung mga bata na magsumikap at mag-aral nang mabuti para sa kanilang pangarap, at pinayuhan din nito na huwag na madalas magtambay doon," paliwanag ng uploader sa lingwaheng Bisaya.

Dagdag pa niya, hindi na niya narinig pa ang ibang sinabi ng police staff sergeant pero nararamdaman niyang mabuting pulis ito sa lugar.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Aniya, "Although, hindi ko masyadong napakinggan ang ilang sinabi mo sir, pero nararamdaman ko po na mabuti kayong tao. Sana pagpalain pa po kayo."

Ilang mga nakakilala rin sa pulis ang nagsabing kahit noong nasa kolehiyo pa ito mabait at namimigay na raw talaga ito. Ang police officer ay kinilalang si Police Staff Sergeant Marvel Laurie na naka-assign sa Dapitan City Police Station.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!