Nagpakawala ng sunod-sunod na tweets ang showbiz news insider at talent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa isyung kinasasangkutan ngayon ng Villar-owned TV network na "ALLTV."

Matatandaang napaulat na sa Balita ang umano'y pagtigbak sa ilang programa nito dahil sa kawalan ng pumapasok na advertisement, at nalulugi na raw ang network sa mga gastusin.

Nagpakawala na rin ng kaniyang pahayag ang Wowowin host na si Willie Revillame patungkol dito. Aniya, sana raw ay huwag nang haluan ng politika ang usapin. Ipagdasal na lamang daw sana ng mga tao ang ikatatagumpay nila. Nagsisimula pa lamang daw ang network.

Sey naman ng mga netizen, tila "karma" ito sa network dahil ang anak ng may-ari na si Congresswoman Camille VIllar ay isa sa mga bumoto ng "No" sa franchise renewal ng ABS-CBN noong 2020.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Muling nagtrending at pinag-usapan ang mga kongresistang "pumatay" sa prangkisa ng network, dahilan upang magkaroon ng retrenchment sa mga empleyado nito, sa kasagsagan pa naman ng pandemya.

Anyway, sinimulan ni Ogie ang kaniyang tweets sa pagbanggit sa pangalan ng mga aktres na sina "Carmi Martin" at "Carmina Villaroel."

https://twitter.com/ogiediaz/status/1622212195533856769

Ito kasi ang "balbal" na termino para sa "karma."

"Ba’t gamit na gamit ang pangalan nina Carmi Martin at Carmina Villarroel sa mga panahon ngayon?"

Dito ay binanggit na nga ni Ogie ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

"Andami palang congressmen na bumoto sa no to abs-cbn franchise ang na-Lotlot & Friends nitong 2022, no? Wala na yung pinapanginoon nila, pero andiyan pa din yung abs-cbn. Patuloy na pinapanood ng mga nag-no to franchise cong."

https://twitter.com/ogiediaz/status/1622214231377711104

Kaya tanong ni Ogie, "Wala ba from the congress ang tatayo para makiusap sa all tv na wag munang magpahinga dahil kawawa naman ang mga taong mawawalan ng trabaho?"

https://twitter.com/ogiediaz/status/1622218467368931329

Matatandaang isa si Ogie ang isa sa mga vocal na tagasuporta ng ABS-CBN bilang isang Kapamilya.