Lalo pang naging espesyal ang pagbabalik ni “Fearless Diva” Jona Viray sa Kapamilya Network nitong Linggo, Pebrero 5, nang payagan siyang makanta ang “Close To Where You Are,” ang kauna-unahang hit song ng singer matapos itanghal na first-ever Pinoy Pop Superstar grand winner noong 2005.

Kahit na produkto ng Kapuso Network, nabigyan si Jona ng sariling spotlight sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng ASAP Natin ‘To.

Basahin: Jona Viray, Kapamilya pa rin, balik-ASAP na matapos machikang babalik sa GMA-7 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasama ang iba pang champions kabilang nina Erik Santos, Angeline Quinto at iba pa, sa pangunguna rin ni Songbird Regine Velasquez, nabigyang oportunidad si Jona na muling awitin ang kantang nagbukas sa kaniya sa mundo ng showbiz.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Close To Where You Are 2023🥺❤️ This was a surreal moment for me to once again sing my very first single/ winning song from Pinoy Pop Superstar written by the great and incomparable Mr. Danny Tan, mababasa sa caption ni Jona sa isang Instagram post, Linggo ng gabi.

Sunod niyang pinasalamatan ang ASAP Natin ‘To at ang ABS-CBN gayundin ang mga nakasama sa entablado na sina Elaine Duran, Sheena Belarmino, at Frenchie Dy para mabigyan ng bagong bihis ang kanta.

Kapwa kaibigan at fans ang naki-throwback naman para sa singer.

“OMG ate!!! Very memorable ‘tong song na ‘to for me din kasi eto ‘yung kinanta ko sa 4th week sa Pop Star Kids at nagqualify ako sa grand finals! 😻” komento ni Idol Philippines alumnus Enzo Almario sa naturang IG post.

“Thank you ate Jona! Such an honor to sing with you po, 🥹💞” komento rin ni Elaine Duran.

Tatlong heart emojis naman ang iniwan ng dating La Diva member at kapwa PPS champ na si Maricris Garcia.

“Congratulations, Jona! You did very well! Thank you for tagging me. Missing you,” mababasa sa komento naman ng batikang si Danny Tan sa Facebook post ni Jona.

Narito pa ang ilang komento ng fans ni Jona:

“I remember during your Grand Finals, after they announced you as the ultimate Pinoy Pop Superstar champion, I can't help myself but to cry with you while you were singing this song! It reminded us your humble beginning. More powers to you, Jona.❣️

“Imagine kahit sa kabila ka nanalo, still abs-cbn honoured you my lodicakes and allowed your winning piece to be sang in asap stage... Snappy salute talaga sa kapamilya network😍😍😍

“Daming feels nung pinanood ko ito kaninaaa 🥺💛 Thank you ASAPOFFICIAL 🫶🥰!”

“Can't help na maging emotional habang pinapanood ko to kaninaa.. 😭 Reminiscing those days kung paano nagstart ang lahat..Daming Feels.. also super masaya na finally you're back on Asap stage.. Thank you ASAPOFFICIAL for making this happen. 💗

“It's good that you were allowed to sing this song my queen. That's how much ABS respect you, recognizing you as if you are their own champion letting you sing a song from your early beginning!😊❤️❤️

“This song is so Nostalgic. I remember so many memories with my old friends whom I miss so much now😔.”

“Uy feeling ko bumalik ako sa teenage years ko😊thats was the song that brought you to stardom been rooting for you since your journey at PPS up until today.😊I love you my queen Jona !!!”

“Sobrang nostalgic pgka panalo ni Jonalyn nung 2005 sa PPS🥺Shes the last to enter the grand finals and the youngest on her batch. Naiyak pa talaga si Regine nun kasi alam niyang sobrang deserve ni Jonalyn Viray! ❤️✨️

Samantala, trending din sa Twitter ang naging pagbabalik ni Jona nitong Linggo.

https://twitter.com/BlujayGener/status/1622088631690354693

https://twitter.com/BlujayGener/status/1622117790449815552

https://twitter.com/Teamjonatrends/status/1622101105873424385