Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang baybayin sa San Antonio, Zambales nitong Linggo ng madaling araw, Pebrero 5.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:34 kaninang madaling araw.
Namataan ang epicenter ng lindol sa 14.84°N, 119.35°E - 080 km S 82° W ng San Antonio, Zambales, na may lalim na 005 kilometro.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks dahil sa nasabing pagyanig.