Isang magnitude 4.5 na lindol ang yumanig sa Sapa-Sapa, Tawi-Tawi nitong Linggo ng tanghali, Pebrero 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol at nangyari ito bandang 12:15 kaninang tanghali.
Namataan ang epicenter nito sa layong 02.46°N, 121.29°E - 312 km S 21° E ng Sapa-sapa, Tawi-Tawi, na ang lalim ay 105 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na pinsala at aftershocks dahil sa nasabing pagyanig.