Madalas na natatanggap ng mga kilalang tao ay lahat ng mga parangal mula sa pagiging mahusay umakting hanggang sa katanyagan sa publiko, ngunit ang isang tagumpay na maaaring hindi maikakailang ito ay ang karangalan ng isang pangmatagalang relasyon o kasal.
Narito ang ilang mga mag-asawang celebrity na nananatiling inspirasyon sa iba:
'Dongyan' Dingdong Dantes at Marian Rivera
"Acting na napunta sa totohanan"
Ang "Marimar" ay naging pinakamataas na rating sa primetime na palabas sa telebisyon sa Pilipinas, at kasabay nito, inilunsad ang karera nina Marian at Dingdong bilang Primetime King and Queen ng GMA.
Dahil dito ang tambalang Marian-Dingdong ay nagkaroon ng maraming soap operas; "Dyesebel" taong 2008, "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" noong 2009, "Endless Love" noong 2010, at "My Beloved" taong 2012.
Ikinasal sina Dantes at Rivera noong Disyembre 2014, at nagkaroon sila ng panganay na babae na si Zia makalipas ang isang taon, si Sixto naman ay ipinanganak noong Abril 2019.
Inamin ni Marian sa naging panayam niya sa pilot episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na noong una ay hindi sila magkasundo ni Dingdong.
Iya Villania at Drew Arellano
"Friends to lovers"
Mula sa pagiging magka-love team sa youth-oriented show ng GMA na Click taong 2003, naging magkasintahan ang dalawa sa totoong buhay.
Magkasama sa loob ng walong taon bago nagpakasal sina Iya at Drew noong 2014.
Sa kasalukuyan ay mayroon silang apat na anak: sina Primo, Leon, Alana, at Astro, na kaka-panganak lang noong Hunyo.
'Team Kramer' Cheska Garcia at Doug Kramer
"It’s love at second sight"
Nagsimula ang kuwento ng pag-iibigan nina Cheska Garcia at Doug Kramer noong una silang nagkita sa Boracay noong 2003.
Pagkatapos ng apat na taon ng pagiging magkasintahan, opisyal na nag-propose si Doug ng kasal kay Cheska pitong araw bago ang kanilang ikaapat na anibersaryo noong Oktubre 2, 2007.
Ikinasal sina Chesca at Doug noong Oktubre 2008 at mayroon silang tatlong anak na nagngangalang Kendra, Scarlett, at Gavin.
'Power couple' Aubrey Miles at Troy Montero
Halos 20 years na sina Aubrey Miles at Troy Montero nang ikinasal noong 2022. Mayroon silang dalawang anak, sina Hunter at Rocket. Ang panganay ni Aubrey, si John Maurie, ay ang kaniyang anak mula sa isang dating relasyon kay JP Obligacion.
Matapos ang matagal na pagsasama, ayon kay Troy ay 18 years na silang nagsasama ni Aubrey sa oras ng maisagawa niya ang engagement nito lamang taong 2022.
Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos
"From hello-hi to love team"
Nagpasya si Ryan Agoncillo na i-pop ang mahiwagang tanong sa kaniyang girlfriend ng three years, ang young superstar na si Judy Ann Santos ng, "Will you marry me?"
Matatandaang sa loob ng mahigit isang buwan, nagawa ng mag-asawa na itago sa publiko ang kanilang pakikipag-ugnayan, hanggang sa Hulyo 2008 na isyu ngYES! Kinumpirma ito sa isang eksklusibong panayam sa mag-asawa. Si Juday, bilang sikat na tawag sa kaniya sa showbiz, at ibinigay ni Ryan ang mga detalye ng marriage proposal, na nangyari noong 30thbirthday celebration ng aktres.
'Fofo & Bonez' Megan Young at Mikael Daez
"Hello to I do"
Ikinasal sina Mikael at Megan noong Enero 2020 pagkatapos ng siyam na taong pagsasama, una sa isang seremonya sa Nasugbu, Batangas noong Enero 10 at sinundan ng isa pang seremonya sa Subic, Zambales.
Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ng celebrity couple na ang kanilang 12th year anniversary sa pamamagitan ng pagbabahagi ng throwback images at videos ng kanilang relasyon.
Makikita sa post ni Megan sa kaniyang Instagram account ang isang late celebratory Reel ng kanilang anibersaryo noong nakaraang Enero 25, na binubuo ng mga larawan nila ni Mikael noong sila ay 20 at 22 taong gulang, ayon sa pagkakabanggit.
Toni Gonzaga at Paul Soriano
"It was just him, me and our forever.”
Ang relasiyon ninaToni Gonzagaat Paul Soriano ay hindi maikakailang kabilang sa mga nagbigay ng inspirasyon sa maraming tao. Ilang taon silang mag-asawa at ang kanilang pagmamahalan ay nakaligtas sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa kanila.
Noong 2015, pinakasalan ni Toni si Paul. Bilang isang artista at isang filmmaker, natipon nito ang maraming kilalang mukha sa industriya ng entertainment sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, may anak na sina Paul Soriano at Toni Gonzaga na nagngangalang Severiano Elliot. Ang guwapong batang lalaki ay mas kilala bilang "Seve".
Dahil dito, totoo na para sa ilan ang pagiging mag-asawa ay katulad ng kanilang sinumpaang, "for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health." dahil nagpapatunay na ang tunay at matiyagang pag-ibig ay palaging mananatili.
-
Wala ba rito ang power couple mo? Kung may nais kang idagdag ay I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!