Hindi pa rin tinatantanan ng QCPD ang mahigpit na kampanya laban sa iligal na droga na ikinaaresto ng 17 katao at nakumpiskahan ng higit P2 milyon shabu sa Quezon City.

Nabatid sa ulat nitong Lingo ang nasabing mga arestado ay bunga na isinagawang buy-bust operation ng mga himpilan ng pulisya ng QCPD sa Cubao, Barangay Talipapa, mga Barangay sa Novaliches, sa Project 6, Brgy. Balingasa, La Loma, Brgy. N.S. Amoranto, Quezon City, Brgy. San Isidro, QC. Brgy Pasong Tamo, Culiat, Brgy. Bahay Toro.

Ang isinagawang opersyon ay kaakibat ang PDEA at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng QCPD.

Nakumpiska rin ng mga otoridad ang mga drug parapernalyas, mga cellphones, at buy-bust money.

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

Ang mga drug suspek ay nakapiit na matapos kasuhan sa korte ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Jun Fabon