Hindi rin papahuli ang Manila Philharmonic Orchestra para bigyan ng sariling tunog ang 2005 hit at viral song na “Jopay” ng bandang Mayonnaise.
Ito nga ang tampok sa kanilang viral nang Facebook video nitong Biyernes, Pebrero 3, bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Araw ng Binan 2023.”
Espesyal na panauhin ng pagdiriwang ang Manila Philharmonic Orchestra sa naganap na “Serenata sa Plaza Rizal” noong Huwebes, Pebrero 2 sa nabanggit na okasyon.
Isa sa kanilang tinugtog ang "Jopay" sa kanilang setlist.
Hiyawan at palakpakan ng mga kabataan sa pamosong ensemble habang tumutugtog sa ilang residente ng bayan ng Binan.
Viral ngayon ang naturang video na nasa mahigit 220,000 views na sa pag-uulat.
“Such a great great show... Sana maulit po kyo mgperform sa Binan... Thank you so much.. Sending love to all the members of your orchestra!” komento ng isang netizen sa hit video.
“Thank you so much po for your amazing music!!! Such an honor and experience!!! Thanks Mayor Arman for bringing Philharmonic Orchestra here in Biñan. Grabe ang galing!!!”
Bagaman may ilang netizens ang dismayado sa sana’y tahimik na audience para namnamin lang ang tunog ng orchestra, isang pananaw naman ang ibinahagi ng isa pang netizen.
“Expected na ng orchestra siguro that this would happened, the venue was in an open area and not in an opera or theater,” aniya.
“This is refreshing though kasi at least ang mga bata maeexpose face to face how an orchestra plays. Remember di lahat afford manuod ng live perf ng Phil Harmonic,” dagdag nito.
“We cant blame them. Going to an orchestral concert can also be a daunting prospect for anyone who hasn’t been before or who remembers being dragged along as a child and being made to sit in silence in what seemed like an endurance test,” segunda ng isa pa.
“We really had a great time watching your world-class performance...Manila Philharmonic Orchestra. Hope to see you again in the City of Biñan. ”
“Grabe, swerte ni Jopay. Because of Mayonnaise song, naging immortal sya!”
Sa pag-uulat, mayroon nang mahigit 12,000 reactions ang naturang video.