Pagresbak ng maraming Kapamilya netizens kay Willie Revillame, naramdaman na umano ng ALLTV ang parehong sakit na naramdaman ng maraming empleyado ng ABS-CBN nang matigil ang pag-ere ng dambuhalang network noong 2020.

Dagdag nila, hindi umano pwedeng sabihin ng host na isantabi ang politika sa isyu lalo pa’t ito rin ang dahilan anila ng pagkawala sa ere ng Kapamilya Network.

Trending sa Twitter ang host at ang ABS-CBN matapos nga ang mga pahayag ni Revillame laban sa aniya’y natutuwa pa sa balita kaugnay ng umano’y pagtatapos na ng ilang programa sa network ng mga Villar na ALLTV.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Twitter

Basahin: Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang tila ikinadismaya ni Revillame ang reaksyon ng ilan ukol sa balita ngang tatapusin na ang kakasimula pa lang ngunit hindi pinangalanang mga programa sa ALLTV.

Matatandaang 2022 nang ilunsad ang bagong broadcast network at makuha ang dating frequency ng ABS-CBN na Channel 2.

Basahin: ‘Inabisuhan na raw ang talents!’ Isang programa ng ALLTV, magbababu na sa ere? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Partikular ding binanatan ng ilang netizens ang pakiusap ng host na isantabi ang pulitika sa isyu, bagay na inalmahan lalo ng mga tagasuporta ng ABS-CBN.

Narito ang ilang saloobin ng netizens sa trending topic sa Twitter ngayong Linggo, Pebrero 5.

https://twitter.com/kowalerts/status/1622087938866843648

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1622091567380172801

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1622037024533524481

https://twitter.com/ricci_richy/status/1621867643665006593

https://twitter.com/rryyyaaaannnn/status/1622070587987484675

https://twitter.com/julesguiang/status/1622104991526952960

https://twitter.com/krizzy_kalerqui/status/1621879926055116800

Samantala, sa pag-uulat, wala pa ring pormal na anunsyo mula sa AMBS/ALLTV kaugnay ng umano'y pagsasara ng ilang programa sa network.