And maybe we got lost in translation
'ATEEE BAKA AS IN (COW) po yung benebenta hindi TAO !!!' Iyan ang paalala ng isang seller ng isang baka "na may anak" matapos mapagkamalan ng isang interested buyer na "bata" ang ibinibenta nito.
Dahil sa kagipitan, napilitan nang ibenta ni Maan Sampaga Tumbaga ang alaga nilang baka kasama ang mga anak nito.
Sa pagkakaakalang paslit ang tinda ni Tumbaga, napa-personal message ang isang netizen upang magtanong tungkol sa ibinibenta nito.
Narito ang palita ng kanilang usapan:
"Ma'am baka po etong pinag-uusapan natin ha. Mukhang di po tayo nagkakaintindihan," pagtatanong ni Tumbaga upang linawin ang kanilang pinag-uusapan.
"Hindi po bata yung binibenta ha BAKA PO (COW). To be clear lang po," dagdag pa niya.
"Ano po ba mukha ngang hindi tayo magkaintindihan. Mag-aalaga ba ng bata or what?" tanong ng buyer.
"Hayop binibenta hindi TAO!!!"
"Ahh," tipid na sagot ng buyer nang mapagtanto nito na hayop ang ibinibenta ni Tumbaga at hindi batang paslit.
Naaliw naman ang netizens sa conversation ng dalawa.
—
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!