Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Davao de Oro nitong Linggo ng hapon, Pebrero 5.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 5:59 ng hapon.

Namataan ang epicenter ng lindol sa 07.73°N, 126.06°E - 007 km N 22° W ng Compostela, Davao De Oro, na may lalim na 015 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Nabunturan, Davao de Oro.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Naitala naman ang Intensity II sa Compostela at New Bataan, habang Intensity I sa Maco, Davao de Oro.

Samantala, isinailalim sa Instrumental Intensity I ang City of Davao.

Ang naturang lindol ay isang aftershock sa nangyaring magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro nitong Miyerkules, Pebrero 1.

Habang wala umanong nakikitang magiging aftershocks ito, inaasahan ng Phivolcs ang pinsalang maidudulot ng nasabing pagyanig.