'I stand by my principles'

Kasalukuyang kumakalap pa ng ebidensya ang vlogger doctor na si Doc Adam kontra upang ilaban sa law suit na isinampa ng kapwa nitong content creator na si Dr. Farrah Agustin-Bunch, matapos pabulaan ni Doc Adam ang mga umano'y "mapanganib" at misleading medical advice ni Farrah.

Aniya, ang pinsala na dulot ng law suit na isinampa sa kaniya ay umabot na sa $500,000 (18 million pesos), na nagpigil sa kaniya sa pagpapakasal, nagdulot ng pagkabalisa at depresyon, at nagresulta sa pagkawala niya ng maraming araw sa trabaho.

"I did my videos to educate Filipinos. I'm a doctor. I know what's right, I know what's wrong. I know that even if Dr Farrah is also a doctor,, there are no medical guidelines or sound peer reviewed scientific evidence supporting many of her previous actions. Her past advices were extremely misleading and potentially dangerous," ani Adam.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sa loob ng maraming buwan, nagdokumento si Adam ng mga payo ni Farrah, nakikipag-usap sa mga kamag-anak ng mga naunang pasyente ng kalabang doktor, nakikipag-ugnayan sa Food and Drug Administration (FDA) at iba pang mga katawan ng gobyerno, at nakikipag-usap sa mga doktor sa Pilipinas.

"I now have obtained an extensive database of documents and other evidence against Dr Farrah. You will all be shocked by what I have found," dagdag pa niya.

Ayon kay Adam, ang mga ebidensyang nakuha ay isusumite sa paglilitis, ngunit gagamitin din ito sa kaniyang mga video sa hinaharap upang turuan ang publiko.

" There is a lot we can learn from the previous misleading actions of Dr Farrah."

Nanawagan naman siya sa mga Pilipinong naging "biktima" ng umano'y maling medical advise ni Farrah na magbahagi ng kanilang karanasan. "This is a story that needs telling and I'm excited to tell it."

Ang pre-trial ng kaso ay isasapubliko, na gaganapin sa Marso. Tiniyak ni Adam na ipapaalam niya sa publiko ang mga magaganap sa gumugulong na law suit.

"I can't wait to share everything that I found with you guys."