Kasama ang Pinoy delicacy na bibingka sa listahan ng 100 best cakes sa buong mundo, ayon sa kilalang online food guide na Taste Atlas.

Nasa pang-14 na pwesto ang bibingka sa inilabas na listahan ng Taste Atlas sa kanilang website, samantalang nasa 16th spot ito sa kanilang Facebook post matapos umanong magkakuha ng 4.4 na rating.

Sa paglalarawan ng Taste Atlas sa bibingka, sinabi nito gawa ang Pinoy delicacy sa rice flour at tubig na unang inihahanda sa clay pots saka ilalagay sa dahon ng saging.

“Bibinka is believed to have appeared under the foreign culinary influence, and the first written reference describing a similar cake dates back to 1751,” anang Taste Atlas.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Sa ngayon ay may nadagdagan na raw ng sangkap na mas nagpalasa sa bibingka tulad ng gatas, itlog, coconut milk, asukal at mantikilya.

“Modern variations may include anything from grated cheese, salted duck eggs or grated coconut, and a variety of different sweet and savory toppings,” dagdag nito.

Samantala, matatandaang inilabas din ng Taste Atlas ang Top 100 worst dishes in the world kung saan apat sa mga nakasama rito ay mga pagkaing Pinoy.

Basahin: Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa 100 worst dishes in the world