Umani ng papuri mula sa netizens ang Facebook post ni Ramer Fabia matapos niyang ayusin ang cellphone ng isang hirap sa buhay na estudyante ng walang hinihinging kapalit.

Ibinahagi ni Fabia ang isang batang lalaking pumunta sa kaniyang tindahan at hiniling na ayusin ang kaniyang mobile phone.

Ginagamit daw umano ng estudyante ang kaniyang mobile phone para sagutin ang kaniyang mga module ngunit bigla na lamang hindi nag-charge ang device.

Ani Fabia na naniningil siya ng ₱400 para sa repair ngunit ang kapus-palad na bata ay mayroon lamang ₱20.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Gayunpaman, inayos pa rin ng technician ang mobile phone nang hindi umaasa sa anumang kapalit.

“Sabi niya magkano daw pagawa ng cp na hindi nagcha-charge sabi ko 400. Sabi niya wala daw siya ganon kalaking pera pinakita niya sakin laman ng wallet niya 20 pesos ginagamit niya lang daw sa module online,” kuwento nito.

Hindi na tinanggap ng technician ang bayad ng estudyante at pinayuhan na lang na mag-aral siya nang mabuti.

Narito ang kaniyang buong post:

“Bata.kuya magkanu Po paayos Ng cellphone ndi na Po nagccharge

Me.400 pesos.

Bata.kuya 20pesos lang pera ko.ginagamit ko lang Po pang module ko.wala ako magamit na cp

Me.kinuha ko agad after magawa.

Bata.kuya bayad ko Po.

Me.bili muna lang Ng pagkain Yan Basta aral lang mabuti hah.

Bata.salamat Po kuya.sabay umalis n….

Wednesday bless gaan sa loob Ng makatulong”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!