Kasama ang Pinoy foods na balut, kinalas, hotsilog at spaghetti sa listahan ng 100 worst dishes sa buong mundo, ayon sa Taste Atlas, isang kilalang online food guide.
Sa inilabas na Facebook post ng Taste Atlas, naging top 17 ang Bicol noodle soup dish na “Kinalas” matapos itong makakuha umano ng 2.4 ranking.
Naging pang-36 naman ang hotsilog (hotdog+sinangag+itlog) sa nasabing listahan dahil sa 2.6 score na nakuha raw nito.
Kasama rin ang balut at Pinoy spaghetti sa inilabas na full list ng 100 worst dishes in the world ng Taste Atlas sa kanilang website.
Napunta sa 9th place ang balut na sinabing popular ngunit hindi pangkaraniwang delicacy ng mga Pinoy.
“It is considered an aphrodisiac that is commonly paired with a cold beer on the side. The dish can be seasoned with chili, garlic, vinegar, salt, lemon juice, ground pepper, and mint leaves. It can also be cooked in omelets or used as a filling for pastries,” paglalarawan pa nito.
Ayon din sa website ng Taste Atlas, ang nasa 81st spot na Pinoy spaghetti ay matamis, hindi tulad ng Italian version nito. Pinagsama raw itong noodles, ground meat, hot dogs, banana ketchup, at asukal.
“It is believed that the dish was invented by Filipino mothers who noticed that their children love sugar, so they put a spin on the classic spaghetti dishes,” anang Taste Atlas. “Today, this inexpensive meal is known as the one that unites families, and is consumed by both poor and rich people.”
Nanggaling umano ang nasabing listahan sa kanilang database na pinunan ng mga taong nagbigay ng rating sa mga pagkain.