Lungsod ng San Fernando, Pampanga – Arestado ng mga pulis sa Central Luzon ang tatlong Top Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt operations na isinagawa sa buong rehiyon, ayon sa ulat noong Linggo.

Sa Nueva Ecija, si Froilan Abellar, ang Top 1 Most Wanted Person sa Cuyapo ay inaresto ng magkasanib na elemento ng Cuyapo Police sa bisa ng warrant of arrest para sa kaso ng panggagahasa.

Gayundin, inaresto ng pulisya si Ferdinand Meneses, na nakalista bilang isa sa Most Wanted Persons ng Lubao para sa dalawang bilang ng paglabag sa Bouncing Checks Law o BP 22.

Habang ang pinagsanib na elemento ng Subic Police at iba pang law enforcement unit ay nagsilbi ng warrant of arrest laban kay Domingo Ronda alyas "Onyo," Top 10 Most Wanted Person sa Zambales, para sa dalawang bilang ng paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act o RA 7610.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"The continuous arrest of persons sought by law only goes to show that the police are doing their best to account all wanted persons to rid the society of fugitives and lawless elements,” sabi ni PRO3 Regional Directed Brigadier General Cesar Pasiwen.