Paiigtingin pa ngpamahalaan ang mga programa nito laba sa kagutuman at kahirapan sa bansa, ayon sa pahayag Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Linggo.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, binanggit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na handa na ang kanyang liderato na harapin ang pangunahing problema ng lipunan.

Aniya, pinag-aaralan na nila ang mga hakbang sa pagbibigay ng serbisyo at tulong sa mahihirap at vulnerable sector sa panahon ng kalamidad.

Nangko rin siya na ibabalik niya ang 'food stub" system, bukod pa ang livelihood assistance sa mga kuwalipikadong pamilya at indibidwal bilang hakbang sa paglaban sa kagutuman.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Tiniyak din niyang lilinisin ang database ng mga benepisyaryo ng financial assistance program upang matiyak na pakikinabangan lamang ito ng mga karapat-dapat na pamilya.

“Wala naman akong intensyon na baguhin ang listahan. Napansin ko lang po na noong mayor pa ako ng Valenzuela, pabago-bago ang database dahil sa dami sources, at minsan pwede tayong maligaw," sabi pa ni Gatchalian.

Philippine News Agency